Thursday, May 13, 2010

Paano Ba Ang Magmamahal?


Lagi ko itong tinatanong sa sarili ko na paulit – ulit paano ba akong magmahal? Anong pakiramdam ang isang taong magmahal?Masarap, masakit, nakakatuwa , maiiyak, excited ba ito , sabi nila lahat klaseng emosyon ay maramdaman mo kapag magmahal ka .

Kung akong tatanungin ninyo ay naranasan ko rin magmahal nang kaunti pero hindi sa todo o lampas sa kaseryosohan nang pamamahal sabi nila “ Ang Kalabisan ay masama” nga nagpatotoo sa mga tao nakapaligid sa akin lalo’t na sa aking nakakatandang kapatid na babae napiling maling pagmamahal kaya’t sinasabi ko sa sariling ko na hindi ako matutulad o mangyayari sa kanya . Pero sa huli parang linulok ko aking sinasabi na “masama ang magmahal na sobra” hindi pala mas mabuti magmahal ka kaysa hindi ka sumubok paano magmahal sa ibang tao .

Aaminin sa sarili ko naiingit ako sa mga tao nameron mga kasintahan na makikita mo sa mga paligid . Na mag holding hands , kumakain sila sa labas, mag aaway sila sa kanilang relasyon, mga selosan at iba .Kailan kaya ako makaranas nang ganyan na sa umaga ay tumatawag sa iyo at magsasabi sa iyo na hello at “I Love You “ “Take Care” “ I Miss You “ at magdate kayo na kumain sa labas , ma holding hands , at meron kang katabi kung gabi at merong kang kausap at karamay na meron kang problema at hindi lahat ay masarap na kung magmamahal kundi meron din mga pagsubok na paano ninyo ito malalampasan lahat na ito gusto kong makaranas .

Sa estado ko ngayon ay binata parin ako gusto ko naman makatikim nang salitang “ MAHAL” o “ LOVE” sa English . Na naranasan ko ang pagmamahal sa isang magulang at kaibigan. Ang gustong ko maranas ang klaseng pagmamahal bilang katipan / kapartner ko sa habang buhay hanggat sa pagtanda namin. Hindi mabuhay ang isang tao na nagiisa alam ko naman meron malaking plano ang Maykapal sa akin na hindi ko alam na kailan siya darating hindi sa nagmamadali ako pero paminsan minsan kung magdasal ako sa Diyos ito ang dasal ko :

“ Diyos bakit ang tagal dumating ang dream person ko meron bo pa akong kasalan sa iyo kaya pinaparusahan mo ako nang ganito ?”

“ Diyos meron po ba ako dapat baguhin para maging kaibig ibig ako sa kanila”

“ Diyos bakit hindi sila nagustohan sa akin pangit ba ako o hindi ako kaaya aya sa paningin nila “


Lahat nang mga tanong nayan ay hindi ko pa masagot sa araw na ito iba naman ay nasagot ko na kaunti kaunti . Ang importante naman ay dapat labisin mo at mahalin mo ang buhay natin sa ngayon dyan masusukat kung gaano mo minamahal mo ang sarili mo . Kung dumadating man ang magmahal sa akin or hindi ay bukas loob na tatanggapin ko luwag sa dibdib at isipan ko


No comments:

Post a Comment

Featured